“Sana mapili mo ang star ko ngayong Pasko,” ito ang salita na punong- puno ng emosyon na salitang nakalap ng Palawan Daily sa isinagawang paglulunsad ng “Star mo sa Pasko ng Sunlight.”
Ang proyektong “Star mo sa Pasko ng Sunlight,” ay pinakabagong pamaskong handog ng Sunlight Hotel and Restaurant na matatagpuan sa lungsod ng Puerto Princesa, bilang kanilang aginaldong programa para sa mga batang critically ill, na may edad 12 pababa. Yaong mga benepisyaryo ay pawang mga pasyente ng Cooperative Hospital at ACE Hospital ng Puerto Princesa.
Sa pahayag ni Vashti Mamucod, Resident Manager ng Sunlight Hotel, sa kabila ng mga nararanasang karamdaman at siphayo ng mga magulang at mga batang paslit, ninanais nilang maibsan ito kahit sa munting kaparaanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ngiti sa labi ng mga bata sa sandaling magbukas na sila ng mga aginaldong kanilang matatanggap.
Bawat mga bata, ay mayroong isinabit na mga bituin, kalakip ang kanilang tatlong kahilingan, mga “wishes” na gusto nilang matanggap ngayong Pasko.
Sinabi ni Ms. Vashti, “this is the first of Sunlight, and of Palawan. We are looking forward of yearly event of Star mo sa Pasko ng Sunlight. The reason why children…we wanted to ease the pain of these children, who are suffering and in their darkest days, and we wanted to give joy to these children, dahil ang naiintindihan lang nila ay maging masaya na makatanggap ng regalo na minimithi nila ngayong Pasko.”
Ang proyektong ito ay inaasahang magiging taunang proyekto, kasama ang dalawang malalaking pagamutan sa lungsod ng Puerto Princesa, at ang tagumpay ay mababatay sa pagtupad ng mga pangaraping regalo ng mga nakatakdang benepisyarong bata, na critically ill sa kasalukuyan.
Samantala sa naging mensahe naman ng mga kinauukulan ng Palawan MMG Cooperative Hospital na kinatawan ni Dr. Frederick Quicho, labis nilang ikinatuwa ang partnership project na ipagkakaloob sa mga batang critically ill sa kasalukuyan.
Ayon sa kanya, nagsisilbing inspirasyon sa mga bata ang mga kahalintulad na proyekto sa kabila ng kasalukuyang kalalagayan ng mga ito. Nguni’t dahil sa hindi gasino pang nauunawan ng mga ito ang programa, ligaya at pasasalamat mula sa mga magulang o kamag-anak nito ang kanilang ipinaabot. Pagtanaw na maging positibo sa buhay at pagmamahalan ang sukling dulot na resulta na inaasahang hanggang sa mga susunod na taon ay magpapatuloy.
Ayon kay Quicho, “giving inspiration, giving hope for the future, and giving them a chance to be brave with their present situation. It is important to make them feel loved, despite of their challenges in life now.”
Sa mensahe naman ni Dr. Ivan Michael G. Vicente, Marketing Head ng ACE Medical Center Palawan, bagama’t mga simpleng hiling lamang ng mga batang critically ill ang nakalagay sa mga “Stars”, nguni’t may mensahe sa lahat, at ito ay kung paano ang magkaroon ng tunay na esensiya ng kaligayang maaaring maibigay sa mga bata sa kabila ng kasalukuyang kalagayan.
Sinabi ni Dr. Vicente, “sobrang nakakaiyak na napakasimple ng kanilang mga wish. Ang wish lang nila ay toy car, mga t-shirt, nakaka- humble at nakakatouch nung makita ko ang listahan, and this teach us to be simple and humble. To have a simple life and how happiness can achieve even in the simplest things.”
Nagbigay din ng mensahe ang mangaggamot na kilala ng halos karamihang naroroon sa programa na si Dra. Ermie Ann V. Badenas- Acharon.
Ayon sa doktora, bagama’t may mga kahilingan na hindi nila kakayaning maipagkaloob, at iyon ay ang mapahaba pa ang kanilang pananatili sa ating mga piling, may kakaibang sigla sa puso naman ang maidudulot ng gagawin ninuman na maibigay ang mga “wishes” nila na nakalista sa likod ng mga “stars”.
“Iba po pag ang bata ang humiling, iba ang feeling kapag naibigay mo ang kanilang wish, most of the cases na naririto ngayon ay yaong mga batang may sakit sa dugo, kung kaya’t bukod sa regalo, sana kayo ay maging bahagi ng blood donation na laan para sa mga batang pasyenteng maysakit nito”, ayon kay Dra. Acharon.
Panghuli, inaasahang ang Star mo sa Pasko ng Sunlight ay hihimok sa mga mamamayang nagnanais na maging katuparan ng mga munting hiling ng mga batang critically ill na nilalayong mapangiti at mapasaya ngayong Pasko 2022.
Discussion about this post