Inaasahang maaabot ng Commission on Elections ang isang milyon o higit pang dami ng mga magpaparehistrong bagong botante, bilang resulta ng muling pagbukas ng voter registration.
Kahapon, ika-12 ng Disyembre ang itinakdang pagsisimula ng muling pagtanggap ng mga bagong magpaparehistrong botante, mula 8:00 AM ng umaga hanggang 5:00 PM ng hapon sa lahat ng mga itinakdang lugar upang sila ay makapagpatala.
Samantala ipinabatid naman ng komisyon na walang voter registration sa Disyembre 24 at 31.
Sa lalawigan ng Palawan, nagpalabas ng talaan ang Comelec sa pamamagitan ng Pronvincial Comelec Spokesperson Jomel Ordas ng dami ng naitalang bagong botante sa unang araw pa lamang.
Total – 362
- Male – 168
- Female – 194
Per Application
New Registration
- 15 to 17 yrs old – 4
- 18 to 30 yrs old – 65
- 31 yrs old up – 21
- Transfer from other city/Municipality – 143
- Transfer within same city/Municipality – 45
- Reactivation – 55
- Correction of Entry/Change of Name – 29
Top City/Municipality
- PPC – 195
- Balabac – 29
- Coron – 21
- Rizal – 17
- Roxas – 16
- Brooke’s Point – 15
- Taytay – 12
- El Nido – 10
Ayon kay Ordas, puspusan ang kanilang kampanya sa lahat ng mga lugar at mariing paghimok sa mga Palawenño na samantalahin ang mga pagkakataon na maluwag pa ang kanilang mga opisina para sa pagpapartala. Kadalasan kasi, kung saang nagagahol na ang oras, saka pa lamang magsisiksikan ang mga tao, para humabol sa pagpapalkista sa Komisyon ng Halalan, na karamihan ayt umuuwing bigo dahil inaabutan ng cutoff hanggang sa mawalan na lamang ito ng kagustuhan pang magawa ang bukod tanging karapatan bilang mamamayan ng bansa, ang makapagbotro sa tuwing sasapit ng halalan at magkaroon ng kapangyarihan na mamili kung sino ang nanaising mamuno sa isang lugar o sa bansa sa pangkalahatan.
Discussion about this post