Nagpasa ng isang resolusyon na naglalayong imulat ang kaalaman ng mga Palaweño tungkol sa sakit na HIV si Board Member Marivic Roxas sa ginanap na 17th regular session ng Sangguniang Panlalawigan noong Lunes, Pebrero 20.
Nakasaad sa resolusyon ang pagkakaroon ng massive campaign sa Palawan kaugnay sa HIV sa pamamagitan HIV Mobile Caravan at target nito ang mga mag-aaral upang mabigyan ng kaalaman kung ano na nga ba ang HIV at maging mulat ang mga kaisipan nito sa maaring idulot ng sakit.
Partikular sa bayan ng El Nido kung saan labas pasok ang mga turista sa lugar.
Ayon kay Roxas, kasama sa kaugnay sa kanyang programa ang ahensya ng Department of Health (DOH).
“Part ito ng program natin sa DOH at sinusuportahan natin ‘yung program, with the participation and collaboration ng Provincial Government Office, tulong natin ito,” ani Roxas.
“HIV mobile caravan layunin kasi kung bakit pinili ang El Nido, in and out ang mga turista natin and also bakit HIV mobile kasi upang makarating sa mga far na barangay, specifically ‘yung mga hirap makapunta ng kabayanan, “dagdag ni Roxas.
Ayon pa sa mambabatas, layunin din nito ay upang mabigyang pansin ang mga may kababayang may HIV. Sapagkat anya, ay hindi lang limitado sa HIV testing at screening ang maibibigay na serbisyo ng Mobile Caravan kundi pati suporta sa gamutan.
“Unang-una binibigyan pansin yung may HIV. Hindi lang naman ‘yung HIV testing or screening, kundi dala-dala narin niya ito package ng health program natin lahat puwede maasikaso,” ani Roxas.
Aniya, mataas ang kaso ng HIV hindi lang sa bayan ng El Nido, kundi sa buong bansa kaya upang hindi na madagdagan ang kaso, isinusulong niya sa ngayon ang pagkakaroon ng massive campaign.
“Sa buong Pilipinas, tumaas tayo, ‘yung latest report ng data ng 2010 wag na natin hintayin na tumaas ng tumaas. Sa pamamagitan ng resolusyon na magbibigay awareness para doon sa maabot at bakit ‘yung mga high school kasi sila ‘yung dapat na mabigyan ng tamang information at kasama sa ‘yan sa medicating measure natin,” ani Roxas.
Discussion about this post