Naihatid na ang mga relief goods na ayuda para sa mga naapektuhan ng bagyong Paeng sa Calamianes Island sa pamamagitan ng Naval Forces West gamit ang sasakyang pandagat na BRP BENGUET (LS507), na kung saan sa pangunguna ng Western Command, sa ilalim ng Joint Task Forces, patuloy na naihahatid ang Bayanihan spirit sa buong lalawigan ng Palawan.
Ang relief operations ay naging positibo lalo na sa pagbabantay Western Command, sa ilalim ng Joint Task Foce I-CARE, sa pakikipagtulungan ng Provincial Disaster Risk Reduction Office (PDRRMO), Provincial Social Welfare and Development (PSWD), at Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ng Coron ,Busuanga at ng Bureau of Fire Protection, Coron. Ang Naval Reserve Center – West (NRCen-W) sa pamamagitan ng mga Reservists ng 41st Naval Group Reserve at ROTC students ng Palawan State University ang tumulong sa paglalagay ng mga relief goods. Ang BRP BENGUET (LS507) ay naglulan ng mahigit kumulang 32, 500 kilo ng iba’t- ibang uri ng relief goods para sa mga bayan ng Coron, Busuanga, at Culion. Bukod dito, 50 sako ng bigas at 50 sacks ng delata ang ipinamahagi naman sa bayan ng Coron, 200 sako ng bigas at 100 sako ng delata sa bayan ng Busuanga, at ang nalabing iba ay sa bayan ng Culion.
Ayon kay Vice Admiral Alberto B. Carlos PN, Commander, Western Command…”The relief operations in Calamianes Municipalities is part of the Western Command’s strong resolve and commitment to bring help to where it is needed the most and hardly hit by Typhoon Paeng. I personally commend our Joint Task Force I-CARE, especially our Fleet-Marine elements from the Naval Forces West and the BRP Benguet (LS 507), as well as our stakeholders for delivering the much needed relief goods to our kababayans in Calamianes. We hope that these will alleviate their suffering and aid them in rising up again after the storm.”
Discussion about this post