357 na persons deprived of liberty (PDL) o mga preso ang pinalaya na ng Bureau of Corrections (BuCor) noong Miyerkules, Oktubre 26, sa simpleng seremonya sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.
235 na PDLs ang pinalaya na pagkatapos ng naging expiration ng kanilang mga sentensya, habang ang 122 naman ay nakatanggap ng parole.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang kanilang pangunahing mithiin ay mapalaya ang mga PDL na hindi naman daw talaga nararapat na nasa loob ng kulungan.
“Our goal is to release all those who are not supposed to be in prison. We will do this to the best of our abilities,” ani ng Justice Secretary.
Samantala, lahat naman ng mga napalaya ay nabigyan ng certificate of discharge, mga hygiene kits, at tamang pera upang sila ay makauwi sa kanilang mga bahay.
Sa kasalukuyan, meron pang 318 pending cases ang BuCor. Ilan dito ay mga pending parole at clemency requests na naghihintay na lamang ng approval mula sa Office of the President, at inaasahang mapirmahan na ito bago matapos ang taong 2022.
Discussion about this post