Itinalaga ni President-elect Bongbong Marcos Jr. ang batikang mamamahayag na si Erwin Tulfo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bagay na hindi inaasahan ni Tulfo at malugod na tinanggap nito.
Ayon kay incoming DSWD Sec. Erwin Tulfo, nasa dugo na umano nito kasama ng kanyang mga kapatid ang pagtulong sa mga kababayan nito ngunit para sakanya malaking hamon umano ito kung papaano aayusin ang departamento.
“Gusto ko po iyon [DSWD Secretary]…I mean hindi naman po lingid sa inyong kaalaman na kaming magkakapatid are really into public service sa pagtulong bawat isa po sa amin…kay Ramon, kay kuya Ben, kay Raffy mayroon po kaming mga office para tumulong after our radio programs and tv programs na pumipila po yong mga tao,” saad ni Tulfo
“So it was a challenge sabi ko baka maganda siguro iyan…pero parang sanay na tayong tumulong pero mas malaki kasing challenge kapag DSWD mas maraming pilipino ang matutulungan,” ani pa ni Tulfo
Dagdag pa ni Tulfo, nitong araw lamang ay nakausap niya umano si incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez at ipinaabot umano sakanya ang ilan sa mga nais mangyari ni Marcos Jr. at isa na dito ang masusing malinis ang mga listahan ng mga benepisyaryo ng DSWD.
“Nakausap ko kanina lamang si incoming secretary [Atty. Vic] Rodriguez na ang instructions daw sakanya ni President-elect Marcos na ibaba sa akin at sabihin na gusto niya [Marcos Jr.] na i-digitalize ang pagbibigay ng ayuda sa DSWD para mas mabilis,” saad ni Tulfo
“And at the same time linisin ang listahan ng DSWD na hindi naman kinakailangan na andiyan dapat alisin na…at dapat i-compare ko yung listahan sa listahan ng LGU partikular sa barangay kung sino talaga ang nangangailangan ng ayuda para hindi masayang and yong mga hindi nabibigyan ay mabibigyan,” dagdag pa ni Tulfo
Samantala, hindi umano inaasahan ni Erwin Tulfo ang pag-talaga sakanya bilang kalihim ng DSWD at pinuri nito ang administrasyon Duterte sa mga nakamit nito na tagumpay sa loob ng anim na taon.
Discussion about this post