Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11480 nitong Hulyo 17 ang batas kung saan binibigyan ng kapangyarihan ang presidente na maiurong ang klase sa tuwing may kinahaharap na state of emergency ang bansa.
Sakop ng batas na ito ang lahat ng basic education schools kabilang na ang foreign at international schools sa Pilipinas.
Inaamendyahan ng panukalang batas na ito ang Republic Act No. 7797 kung saan nakasaad na dapat magsimula ang klase sa unang lunes ng Hunyo at hindi na dapat lumampas sa huling araw ng Agosto.
Samantala, ngayong darating na Agosto 24 ay nakatakda pa rin ang pagbubukas ng klase kung walang rekomendasyon ang Department of Education kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ito, ayon sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Discussion about this post