Tiniyak ng Philippine Coast Guard na walang oil spill o kumalat na langis sa karagatan ng Cagayancillo, Palawan kung saan nabahura ang barkong MV Forever Lucky, na isang cruise ship.
Ito ang naging pahayag ni Coast Guard District Palawan Commodore Allen T. Toribio kahapon sa press briefing nito sa media.
Ligtas na din at nasa maayos na kalagayan ang lahat na lulan na 17 crew ng barko na nakarating sa lungsod ng Puerto Princesa nitong Huwebes.
Matatandaan na nitong January 7, naibalita na ang nasabing barko ay nabahura sa karagatan ng Cagayancillo habang hinihila ito ng isang barge galing Bataan papuntang Cagayan de Oro.
Ayon sa mga otoridad, hinihila lang ng isang barge ang nasabing barko kaya lang nalagot at napadpad sa mababaw na parte ng karagatan at ito ay nabahura.
Nitong Hulyo ng nakalipas na taon lamang ay naibalita din na ang nasabing barko ay pinatigil ng mga otoridad ang nasabing barko na umalis sa Orion, Bataan na papuntang Micronesia na may lulan na mga 139 na Pinoy na walang legal na dokumentado para magtrabaho sa labas ng bansa.
/May kasamang balita galing sa PIA Palawan at kay James Villon
Discussion about this post