Umabot sa 40 na mga mangingisda mula sa Barangay 1 sa bayan ng Roxas na nasiraan ng bangka dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette ang naging benepisyaryo ng Odette Palawan Relief at BangkaBahayan project sa pangunguna ni John Rey Cayabo at volunteers sa aktibidad na ginanap nitong Enero 23 sa Roxas.
Tumanggap ang mga ito ng plywood, pako, pintura, epoxy, thinner at iba pang gamit upang muling mapaayos o makapagpaggawa ng bangka. Layunin ng Odette Palawan Relief ay makatulong sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo.
Ang Odette Palawan Relief ay isang nongovernment organization na nakabase sa El Nido at may iba’t ibang teams sa mga munisipyo.
Ang BangkaBahayan Project ay inilunsad ng JRT Cayabo Store katuwang PSU Roxas Campus Extension, Odette Palawan Relief-Roxas Team at iba pang volunteer mula sa bayan ng Roxas.
Discussion about this post