Dumating ngayong araw, Linggo, Abril 3, si former Palawan Governor Joel T. Reyes na itinuturong nasa likod ng pagpatay sa mamamahayag at environmentalist na si Doctor Jerry Ortega noong 2011.
Sa kanyang mensahe sa harap ng kanyang mga tagasuporta, sinabi nito na parang “mission impossible” umano na siya ay makakatungtong pa sa lalawigan.
“Hindi ko inisip o nasa kathang-isip ko na makakasama o makakabalik ako dito, pero noong March 23, ang Supreme Court po ng Second Division ay nag-promulgate ng decision at grinant ‘yung motion for reconsideration, ni-lift ‘yung dismissal ng case ko sa Court of Appeals at nag-issue ng Temporary Restraining Order,” ani Reyes.
“Immediately tinanggal na sa internet o sa computer nila, ni-lift na ‘yung warrant, may kopya na rin ang law enforcement agency, Provincial PNP, City PNP, CIDG, at NBI. Pero naniniguro ako, sinama ko ‘yung binata kong abogado,” dagdag nito.
Mahigit sampung taon na ang nakakalipas nang sinampahan si Reyes ng kaso dahil sa pagpaslang kay Ortega.
Samantala, si Reyes ay tumatakbong muli sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Palawan ngayong Mayo 2022.
Discussion about this post