Sinabi ni Wendy Harris, Direktor ng Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS), na mayroong Emergency Locator Transmitter (ELT) ang nawawala nilang medevac Alouette II helicopter ng ito ay umalis upang magsundo ng pasyente sa Mangsee Island mula sa PAMAS Base sa bayan ng Brooke’s Point noong Marso 1.
“Each PAMAS aircraft has an emergency locator transmitter,” ani Harris sa mensaheng ipinadala nito sa Palawan Daily.
Ang ELT at Transponder ay pangunahing safety device na kinakailangang taglay ng bawat aircraft sa tuwing ito ay lilipad para makita kung saan ito natoroon.
Ang ELT ay kusang nagpapadala ng distress signal sa mga pinakamalapit na non-geostationary satellites upang maari pa rin silang malocate sa pamamagitan ng GPS kung sakaling mag-crash ang anomang aircraft na mayroon nito.
Ngunit, dagdag ni Harris, dahil nga sa lalim ng karagatan ay pinangangambahan nilang hindi nakapag-function ng maayos ang nasabing device.
“That is activated by a rapid deceleration or by the pilot. Unfortunately the signal is weakened by water,” ani Harris.
Sumang-ayon naman rito ang helicopter pilot at aviation website manager na si Alex Deva na naka-base sa Sweden. Anya, bago umalis ang isang aircraft ay mayroon itong tinatawag na departure checklist, kung saan dapat sinisiguro ng piloto na ang aircraft ay mayroong ELT at Transponder.
“The ELT is activated automatically, but only if the pilot armed it first (this could be part of the departure checklist). And yes, if it’s deep in the water, the signal won’t reach very far,” ani Deva.
Dagdag niya, kung mayroong rin sanang Transponder na taglay ang nawawalang helicopter bukod sa ELT, ay mas mapapabilis sanang matukoy kung saang parte ito bumagsak o nawala.
“If it had a working transponder, then they should know more or less exactly where it crashed,” ani Deva.
Ayon kay Deva, pangunahing kinakailangang taglay ng bawat aircraft ang Transponder. Ito kasi umano ang nagbabato sa air base ng mga pangunahing impormasyon ng lumilipad na aircraft kagaya ng taas nito o altitude, at pinaka-eksaktong lokasyon nito o distansya mula sa Air Traffic Control (ATC) ground o base.
“A transponder is a legal requirement for any aircraft heaver than ultralight class. At least for the rest of the planet. It doesn’t matter who owns what,” ani Deva.
Sa kabilang banda, sinabi ni Harris na kahit umano mayroong dalang transponder ang Yellow Bee ay hindi rin ito magagamit dahil wala umanong radar sa area kung saan lumipad ang Yellow Bee.
“There is no radar in this area so a transponder is useless. The ELT did not activate apparently,” ani Harris.
Discussion about this post