Sa ginanap na tatlong araw ng Civil Society Organization Summit noong Marso 1-3, pangunahing tinalakay ang pagpapaigting at pagbabantay sa seguridad ng mga mangingisda lalo na sa West Philippine Sea (WPS).
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng ibat -ibang NGO’s at dinaluhan ni Palawan 3rd District Congressman Edward Hagedorn, USAID Mission Director Ryan Washburn, Fisherman Leaders Response and Call to Action, Roberto “Ka Dudoy” Ballon, National Chairperson ng Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka at Mangingisda.
Pumunta rin sina Nachita Alberto Founding President, Pagberegkes Yang Kabayang ng Barangay Buenavista, Imelda Mazo Chairwoman ng CIG-Wide Gender and Women’s Network, Fausto “Ka Kuto” Alpay, President ng Research – Western Philippines University, at Atty. Gerthie Mayo- Anda, Executive Director ng Environmental Legal Assistance Center (ELCAC).
Layunin ng CSO summit ang pagbuo ng organisasyon na magpapalakas at magpo-protekta sa likas na yaman na pag-aari ng Pilipinas lalo na ang konsirbasyin ng West Philippine Seascape at mga mangingisda doon.
Tinalakay rin ang mainit na isyu sa mga pinag aagawang isla na sakop ng munisipyo ng Kalayaan dito sa Palawan.
Ayon kay Hagedorn, ang speaker sa closing program ng summit, kanyang sinusuportahan ang layunin ng pagbuo ng grupo upang maprotektahan ang biodiversity sa mga conservation areas sa West Philippine Seascape sa South China Sea at tatlong bagay ang partikular na binanggit nito; determination, dedication at paninindigan.
“Bilang marine fist right sa South China Sea, tatlong bagay, determination, dedication at paninindigan. And the whole power to fight for what you believe at iyan ang puwede natin gawin sa mga pagpupulong na ganito, ang pangalagaan ang WPS. Dito sa bagong grupo na binubuo ninyo kung mapapalakas pa natin ito sigurado ako mananalo tayo, we now realize that the protection of conservation of the marine pati WPS is a livelihood program that cannot be left to the governmental law,” ani Hagedorn.
Ibinahagi din nito ang pagsulong na ideklarang protected area ang WPS, at nagsabing habang “May Kalayaan, may Pag-asa. ”
Samantala ang Philippine Sustainable Interventions for Biodiversity, Oceans and Landscape na isang programa ay mayroon ng limang taon at naglaan ng pondo na P1.35 billion peso katuwang ang Philippine Government sa mga proyekto sa pakikipagtulungan naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), gayundin ang Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), at USAID.
Discussion about this post