Inaresto ng Roxas Municipal Police Station (MPS) ang dalawa sa listahan ng kanilang wanted person na sangkot sa ilegal na pagsusugal.
Kinilala ang naarestong mga indibidwal na sina Ernie Lucero Libre, 39 taong gulang, may asawa at Dennis Lucero Libre, 29, binata, mga kapwa mangingisda at residente ng Brgy. 1, Roxas, Palawan.
Partikular na nilabag ng mga suspek ang mga probisyon ng PD 1602 o ang “Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling” na inamiyendahan ng RA 9287 o ang “Act to Increase Penalties Against Illegal Number Games” na kung saan ay inirekomenda ng korte ang parehong P30,000 piyansa para sa pansamantala nilang kalayaan.
Nadakip naman sila ng mga tauhan ng Roxas MPS dakong 9 pm kagabi sa Barangay 1 sa bisa ng isang warrant of arrest na ibinaba ni Judge Ronilo A. Beronio ng MCTC-Roxas and Cagayancilo noong Hulyo 23, 2020.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Roxas MPS ang nasabing mga indibidwal at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa proper disposition.
Discussion about this post