Nahuli ang 22 anyos na binata na kinilalang si Renz Lawrence Lopez, residente ng Pajara sa Barangay Sta. Monica.
Nahuli si Lopez sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad ng Puerto Princesa City Police Drug Enforcement Unit, at Anti Crime Task Force, sa nasabing Barangay kahapon Abril 20.
Ayon sa operatiba, nagbenta ang lalaki sa asset nila dahilan upang mahuli siya.
Nakuha sa kanya ang isang pakete ng dahon ng pinaniniwalaang marijuana, at P500 na buy-bust money.
Kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang sinampa ng PNP laban kay Lopez.
Discussion about this post