Naaresto na ng mga awtoridad kahapon, Marso 28, ang dalawang lalaki may kinakaharap na kasong panggagahasa.
Inaresto sa bayan ng Dumaran ng Dumaran Municipal Police Station ang suspek na kinilalang si Herman Aborot Gabo, 57 anyos, na sinampahan ng 2 counts ng panggagahasa.
Nito lamang Marso 24, lumabas ang warrant of arrest na pirmado ni Judge Emmanuel Quial Artazo, Presiding Judge of Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 14, Taytay Palawan.
Walang pyansa na inilaan sa kaso ng suspek.
Sa kaparehong araw naaresto naman ng Brooke’s Point Municipal Police Station ang isa pang lalaki na may kaso rin ng dalawang beses na panggagahasa.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ramon Chito R Mendoza, Presiding Judge of RTC Branch 165-Brooke’s Point, Palawan, wala rin itong pyansa. Ang kasong naman sa paglabag ng 2 counts ng Acts of Lasciviousness ay may pyansa halagang P108, 000.
Kinilala ang suspek na si Ricky Salanatin y Sancho alyas Panoy, 47 anyos, na residente ng Barangay Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan.
Nasa pangangalaga na ng PNP ang dalawa at nakatakda silang ilipat sa Palawan Provincial Jail para tamang disposisyon.
Discussion about this post