Dalawang lalaki ang inaresto ng Quezon Municipal Police Station sa bayan ng Quezon matapos mailabas ang kanilang warrant of arrest sa kasong panggagahasa nitong Mayo 1, 2022.
Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Roberto Bercero, 62 anyos, magsasaka na residente sa Sitio Tagbae, Barangay Tabon, at Juhnry Libana Belen, 30 anyos, mangingisda, na residente sa Barangay Maasim Quezon Palawan.
Si Bercelo ay kinasuhan ng tatlong beses na panggagahasa, habang si Belen ay anim na beses na panggagahasa.
Ang warrant of arrest ay inilabas ni Ramon Chito R. Mendoza, Presiding Judge ng RTC Branch 165, Brooke’s Point, Palawan.
Walang pyansa sa kaso ng dalawang lalaki at mananatili sa piitan ng Quezon PNP.
Discussion about this post