Matagumpay na naaresto ng mga operatiba sa lalawigan ng Palawan ang dalawang lalaki na most wanted sa batas noong Oktubre 15 at 16.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Ronnie Pastor y Capili, kilala bilang Onik, lalaki, 33 anyos, magsasaka, naninirahan sa Brgy. Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan, Romel Mallorca Santillan, o mas kilala bilang “Rommel Mallorca Santillan,” 41 anyos, mangingisda, at naninirahan sa Brgy. Canipaan, Rizal, Palawan.
Ayon sa Palawan Provincial Police Office, si Santillan ay tinaguriang Rank 1 Municipal Level at Rank 2, Provincial Level sa kasong two counts ng panghahalay, na walang pyansa. Habang Rank 2 naman sa antas ng munisipyo Capili sa kasong attempted homicide at may pyansang mahigit P120,000 para pansamantalang kalayaan nito.
Samantala, ang mga suspek ay nasa pangangalaga na ng PNP at ihaharap sa korte para sa tamang desposisyon.
Discussion about this post