Arestado ang isang British National na most wanted sa batas na inaresto ng Police Station 1, Criminal Investigation and Detection Group Palawan (CIDG) at Provincial Field Unit, sa Barangay Sta. Monica ganap na 6:30 ng gabi ika-6 ng Abril.
Sa ulat ni Puerto Princesa City Police Police Colonel Roberto M. Bucad, City Director, kinilala ang dayuhan na si Derek John Ambridge, 78 anyos. Ang suspek ay nasa listahan ng mga awtoridad na most wanted.
Sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 47, 4th Judicial Region, Puerto Princesa, dalawang kaso ng Violation of Section 5 (b) of Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) ang isinampa sa suspek.
P200,000 ang halaga ng bawat kaso ang inilaang pyansa sa suspek.
Sa kasalukuyan, ang dayuhan ay nanatili sa pangangalaga ng Police Station 1.
Discussion about this post