Brutal na pinagtataga ang isang lalaki bandang 6PM ng gabi nitong Martes, Hukyo 11, sa Purok Riverside, Barangay Panalingaan, Rizal, Palawan.
Kinilala ang biktima na si Arnel Lambos Tacmoy, 45-anyos, may asawa, foreman, naninirahan sa Macayawan, Zamboanga Del Sur.
Kiilala naman ang tatlong suspek na magkapatid at pinsan na sina Robert Picases Demayo, 35-anyos, magsasaka, Eziekiel Demayo Picases, binata, magsasaka, at si John Michael Picases, magsasaka, lahat ng naninirahan sa Bsrangay Culasian, Rizal, Palawan.
Noong Martes ng gabi ay tumanggap umano ng tawag ang mga tauhan ng Rizal MPS tungkol sa insidenteng pananaga sa nabanggit na lugar.
Agad namang ipinadala ng Rizal MPS ang mgabtauhan mula sa 4th platoon ng 1st PPMFC, 18th Special Forces Company, upang magsagawa ng imbestigasyon at para ma-aresto ang mga suspek.
Natuklasan sa imbestigasyon na bandang alas-6:00 ng gabi noong Hulyo 11, ang mga suspek ay pumunta sa ospital ng construction site sa Barangay Panalingaan, kung saan nagtatrabaho ang biktima bilang foreman, at walang malinaw na dahilan, armado ng mga itak ang mga suspek habang hinahabol ang biktima.
Tumakbo ang biktima upang maiwasan ang atake subalit hinabol siya ng mga suspek at tinadtad ng mga saksak.
Nagtamo ng mga malalalang saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na nagdulot ng kanyang agad na kamatayan.
Ang bangkay ng biktima ngayon ay nasa Rizal District Hospital. Ang motibo ay matagal nang alitan. Patuloy pa rin ang mga tauhan ng Rizal MPS sa pagtutuloy ng mga operasyon upang mahuli ang mga suspek. Nasampahan na rin ng kasong pagpatay ang tatlo.
Discussion about this post