Timbog ang isang guro na nangunguna sa listahan ng most wanted person (Municipal level) sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Palawan Intelligence Unit-Palawan PPO at Rizal Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Bunog, bayan ng Rizal, kahapon, Agosto 17.
Kinilala ang suspek na si alyas “Egay”, 31 taong gulang, may asawa, at residente sa nabanggit na barangay.
Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest (WOA) na inilabas ni Hon. Ramon Chito Rada Mendoza, Presiding Judge ng RTC Branch 165, Brooke’s Point, Palawan, noong Marso 20, 2025.
Ang naturang warrant ay may kaugnay sa apat na bilang ng kasong Libel at may inirekomendang piyansa na halagang ₱30,000 kada bilang para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Rizal MPS ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.