Nasa kustodiya na ng Sub Station 9, Taguig City Police Station ang high value individual ng Palawan Provincial Police Office sa illegal na droga na si Eladio Ramos Jr. y Gripon “Alias Mackoy Gonzales y Gripon” or “Alias Mac Mac”, may asawa at naninirahan sa Barangay 20, Purok Uno Isla Puting Bato Tondo, Manila.
Si Ramos ay dating naninirahan sa Barangay Buena Suerte Sitio Tandol, El Nido Palawan.
Sa pamamagitan ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Anna Leah Y Tiongson Mendoza (Presiding Judge) RTC, Fourth Judicial Region Branch 164 ng Roxas Palawan, sa kasong Violation of Sec 5,11 at 12 Art. II of RA 9165 at (3) Criminal case na “NO BAIL” sa ilalim ng Criminal Case No. 34035;
At Two Hundred Thousand Pesos (200,000.00) na pyansa naman para sa Criminal Case No. 34036, at Forty thousand Pesos (40,000.00) pyansa para sa Criminal Case No. 34037.
Ayon sa report mula sa Provincial Police Office, matapos ang ginawang intelligence monitoring, at fusion sa suspek ay naaresto ito sa C6 road, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City kahapon January 28, kung saan ilang taon din nagtago ang suspek.
Nakatakda naman dalhin ang suspek sa Palawan PPO para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post