Arestado ng mga awtoridad ang isang 41- anyos na lalake na may kasong rape 2PM noong Linggo, Disyembre 15, sa Sitio Yakal, Barangay New Guinlo, Taytay, Palawan.
Base sa spot report mula sa Palawan Provincial Police Office, kinilala ang suspek bilang si Dante Geras, magsasaka, at residente ng nasabing lugar.
Inaresto si Geras sa bisa ng arrest warrant sa kasong rape na inilabas ni Hon. Emmanuel Artazo, presiding Judge ng Family Court of Taytay, Palawan, Branch 14-C noong Nobyembre 18.
Hawak na ngayon ng mga awtoridad ang suspek at nakatakdang humarap sa prosekusiyon laban sa kasong kinakaharap.
Discussion about this post