Bangkay na nang madiskubre ng isang concerned citizen ang isang lalaki sa tahanan nito sa Barangay Kemdeng, bayan ng San Vicente, Palawan noong Nobyembre 15 ganap na 4:20 ng hapon.
Nakilala ang biktima bilang si Juancho L. Reyes, binata, tagapangalaga, at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Kemdeng, sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, isang concerned citizen ang nagpunta sa San Vicente MPS at iniulat na may natagpuang bangkay.
Ayon sa imbestigasyon, pasado alas-dose ng tanghali nang pinuntahan ang biktima sa bahay nito dahil hindi na siya nakita ng halos tatlong araw.
Nadiskubre na lang umano ang biktima na wala ng buhay at nakaratay sa higaan nito.
Kaugnay nito, hiniling ng mga tauhan ng San Vicente MPS na isailalim sa postmortem examination sa Rural Health Unit ang bangkay upang alamin ang sanhi ng pagkamatay nito.
Discussion about this post