Patay ang isang lalaki habang nakikipag-inuman sa Panacan Pier, Barangay Panacan 1, Narra, Palawan.
Kinilala ang biktima na si Ariel P. Matiga, 25 anyos, isang mangingisda, at residente ng Agusan Del Sur.
Habang ang suspek ay kinilala naman na si Winsel Mariscal Ramellite, 26 anyos, isang diver at residente naman ng Purok Changgco, Barangay Bawing, General Santos, City.
Ayon sa imbestigasyon ng Narra Municipal Police Station, pasado 12:30 ng madaling araw kanina, ika-30 ng Hunyo, nag-inuman ang biktima kasama ng suspek at mga katrabaho ng biglang nakipagtalo ang biktima sa mga kasamahan nito at sinubukan naman ng suspek na awatin ang mga ito.
Dagdag pa nito, nahulog ang biktima sa dagat at dali-dali itong tinulungan ng suspek at dito ay bigla na lamang kumuha ng kutsilyo ang biktima at akmang sasaksakin ang suspek, ngunit naagaw agad ito ng suspek at dito ay dali-daling gumanti naman at pinagsasaksak ng makailang-beses ang biktima.
Samantala, agad na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit binawian na ito ng buhay habang ang suspek ay nasa kustudiya na ng Narra MPS ang suspek at mahaharap sa kasong pagpatay.
Discussion about this post