Walang awang tinaga ang isang lalaki habang nakikipagkwentuhan sa labas ng bahay nito sa Barangay Punta Baja, Rizal, Palawan.
Naganap ang krimen bandang 5:30 ng umaga ng Miyerkules, Marso 22.
Kinilala ang biktima na si Gardo Ambotong Angcar, 59-anyos, magsasaka at residente sa nasabing lugar habang ang suspek naman ay kinilalang si Magno Ando Beltran, 59-anyos, na residente rin sa lugar.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Rizal PNP, kasama ng biktima sa labas ng bahay ang dalawang indibidwal na nakikipag-usap ng biglang dumating ang suspek na may dalang itak at agad tinaga ang biktima.
Sinubukan pang awatin ng isang alyas “Ruben” ang suspek ngunit huli na ito.
Agad na naisugod sa pagamutan ang biktima ganun din ang suspek dahil umano’y pinagsusuntok ito.
Patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa krimen at hawak na ng awtoridad ang itak na ginamit ng suspek sa biktima.
Discussion about this post