Arestado ng Araceli Municipal Police Station ang isang magsasaka sa Purok 5, Barangay Lumacad, Araceli, Palawan pasado 6:45 ng gabi noong ika-27 ng Marso.
Ang suspek ay si Arnel Bungar Pantinople, 43 anyos, at residente kung saan ito hinuli. Ang biktima naman ay kinilalang si Louie Osoya Sanchez, 37 anyos, magsasaka, na residente sa Sitio Maguyawon, Barangay Sto. Niño, Araceli.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pumunta sa kanilang himpilan ang biktima upang ireklamo ang suspek matapos na sumugod daw ito sa kanilang tahanan at tinakot ang kanyang pamilya. May dalang baril at itak ang suspek.
Agad na pinuntahan ng mga awtoridad ang tahanan ng suspek at kanilang nakita sa may pintuan ng bahay nito ang itak at converted caliber 22 rifle.
Wala namang maipakitang legal na dokumento ang lalaki sa pulisya, kaya siya ay inaresto at sinampahan ng kasong Violation of RA 10591 in relation to Omnibus Election Code.
Discussion about this post