Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na naki-party sa foundation day ng bayan ng Roxas Palawan.
Kinilala ang lalaki na si Jason Nafuar, 23-anyos, at residente ng Barangay San Jose, Puerto Princesa City.
Ayon sa ulat ng Roxas Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa Barangay Tinitian, Roxas, ganap na 3:10 ng madaling araw nitong Mayo 17.
Ayon sa tumawag, may isa umanong indibidwal ang nakitaang may dalang baril. Agad na nagpadala ng mga kawani ang pulisya sa Purok Espanya, Poblacion 1, Barangay Tinitian, upang kompirmahin ang ulat.
Agad na hinanapan ng mga awtoridad ang lalaki ng mga legal na dokumento, ngunit wala itong maipakita, dahilan upang arestuhin ito ng mga awtoridad.
Nakuha sa suspek ang isang sling bag na may laman na isang Caliber 38 revolver firearm, at labing isang live ammunition.
Samantala, naharap sa paglabag ng Article 5, Section 28 ng RA 10591 o Unlawful Acquisition, or Possession of Firearms and Ammunition ang suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad laban sa lalaki.
Discussion about this post