Agad na sinaklolohan ng mga mangingisda na malapit sa lugar ang isang lalaki matapos itong tamaan ng dinamita noong Hunyo 10, 2024, bandang alas-7:00 ng umaga, naganap ang isang insidente ng pagsabog ng dinamita sa katubigan ng Imalaun/Imaraguan Island, Brgy. Manamoc, Cuyo, Palawan.
Kinilala ang biktima na si Roberto Saison, lalaki, 36 anyos, mangingisda, at residente ng Brgy. Alcoba, Magsaysay, Palawan.
Ayon sa ng PNP, ang biktima ay nangingisda mag-isa sa katubigan ng Imalauan/Imaruan island na humigit-kumulang 30 kilometro ang layo mula sa Brgy. Alcoba, Magsaysay, Palawan nang biglang marinig ng kanyang biyenan ang isang pagsabog malapit sa lugar kung saan naroon ang biktima.
Agad na sumakay sa bangka ang kanyang biyenan kasama ang iba pang residente ng Brgy. Alcoba upang alamin ang pinagmulan ng pagsabog at pagdating nila, nakita nilang sinasagip na ng ibang mga mangingisda ang biktima na nagtamo ng malubhang sugat sa kanang braso.
Pagkatapos nito, bandang alas-10:30 ng umaga sa parehong araw, ang biktima ay agad dinala sa Cuyo District Hospital para sa agarang lunas at noong Hunyo 11, bandang alas-5:10 ng hapon, ang biktima ay inilipat sa Puerto Princesa City para sa karagdagang medikal na atensyon.
Discussion about this post