Batay sa report ng Puerto Princesa City Police Station 2, alas-3:00PM ng maireport sa kanila ng ilang mangingisda sa lugar ang pagkakadiskubre sa naagnas na bangkay ng isang lalaki.
Samantala, positibong kinilala ng kaniyang asawang si Roseviminda Toreta ang biktima na si Vicente “Boy Toreta, 43, at residente ng Sitio Bliss, Brgy. Alfonso XIII, Munisipyo ng Quezon, Palawan.
Ayon sa kaniya,nakilala niya ang bangkay ng kaniyang mister dahil sa tattoo nito sa magkabilang balikat, suot na relo, at sa mga suot na damit. Mahigit isang linggo na umanong nawawala ang kaniyang mister matapos pumalaot. Pinaniniwalaang dahil sa masamang panahong dulot ng bagyong Quiel kaya nasawi ang biktima.
Discussion about this post