Arestado kaninang umaga sa Brgy. Concepcion Busuanga, Palawan ang isang lalaki wanted sa kasong attempted murder.
Nakilala ang suspek na si Jeffrey Macmac, 23 years old isang mangingisda at residente ng Purok 3, Brgy Concepcion Busuanga.
Inaresto ng Busuanga PNP ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case number 2020-0245 ibinaba ni Judge Arnel P. Cesar ng Regional Trial Court Branch 163 nitong lamang nakaraang July 30, 2020
Pansamantalang nasa kustodiya sa piitan ng Busuanga PNP Station para sa karampatang disposisyon nito. Subalit pansamantala namang makakalaya kapalit ng pinyansang P120,000
Discussion about this post