Inaresto ng Roxas MPS ang isang negosyante sa kanilang lugar dahil umano sa pambabastos sa mga taong nakatalaga sa quarantine checkpoint (QCP) sa Barangay 4.
Kinilala ang suspek na si alias Bry, 38 taong gulang, may asawa, negosyante at residente ng Barangay 1, Roxas, Palawan.
Ayon sa impormasyong ibinahagi ng pulisya, bandang ika-3:50 umano ng umaga kahapon nang i-hold ang nasabing indibidwal sa PNP Checkpoint dahil habang nasa impluwensiya umano ng alak ay nagmaneho ng kanyang kulay puting Toyota Yaris. At matapos na maberepika umano ang kanyang pagkakilanlan ay pinayuhan siyang magsuot ng facemask ngunit arogante umano siyang tumanggi at bastos na nakipag-usap sa mga frontliners na nagresulat sa pagkakadakip sa kanya.
Dinala umano si alias Bry sa Roxas Medicare Hospital para sa physical at alcoholic breath examination at lumabas umanong positibo siya sa Alcoholic Breath (AB).
Nahaharap ngayon ang suspek sa paglabag sa RA 10586 o ang “Anti-Drunk Driving Law” at Article 151 ng Revised Penal Code o dahil sa pagtangging sumunod at pambabastos sa person in authority.
Discussion about this post