Timbog ng mga awtoridad kahapon, Pebrero 8, 2021, ang isang lalaki na itinuturing na number 1 most wanted sa munisipyo ng Narra pasado 1:15 ng hapon sa Brgy. Poblacion, Narra, Palawan.
Kinilala ang nadakip na si Edgardo Villanueva Barrera, 20 anyos, nagtatrabaho bilang isang helper at residente ng nabanggit na lugar.
Base sa spot report ng Provincial PNP, sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) na inihain ni Hon. Judge ARLENE B. GUILLEN ng RTC Branch 13 ng Puerto Princesa City, naaresto ang suspek ng Narra MPS sa pangunguna ni PMAJ Dhenies S Acosta, dahil sa kasong pangagahasa sa isang menor de edad sa ilalim ng Section 10 (a) ng RA 7610 o mas kilala bilang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Samantala nasa pangangalaga na ngayon ng pulisya ang suspek at itinakda ang piyansa sa P200,000.
Discussion about this post