Patay ang isang padre de pamilya matapos barilin kagabi, Abril 25, ganap na 9:30PM sa Barangay Panitian, Quezon, Palawan.
Kinilala ang biktima na si Gaudisio Libot Parenzo, 53-anyos, magsasaka, at residente ng nasabing barangay.
Samantala, ang suspek ay kinilala namang si Lamberto Tagabe Taasan Jr., 46-anyos, magsasaka, at residente rin ng nasabing lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon PNP, kasama ng biktima ang dalawang nitong anak na lalaki at nanonood ng TV sa kapitbahay na nasa 30 metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay, ng akmang uuwi na ang mag-aama ay pinuntajan ito ng suspek ganap na 8PM. Habang sila ay nag-uusap sa harap ng isang tindahan ay dito na nga binaril ng suspek ang biktima.
Agad naman tumakas ang suspek matapos gawin ang pamamaril.
Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation at follow up investigation ang mga atoridad kung saan tinungo ng PNP ang bahay ng suspek at sakto namang palabas na ito ng bahay. Napag-alaman rin na nasa impluwensya ito ng alak.
Base sa isang eye-witness, positibo na ang suspek ang bumaril sa biktima dahil nakita sa loob ng bahay nito ang suot na damit sa pamamaril.
Samantala, nasa kustodiya na ng PNP ang suspek na mahaharap sa kasong pagpatay.
Discussion about this post