Hindi titigil ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga rebelde at iba pang tumataliwas sa pamahalaan ngayong holiday season.
Sa mariing pahayag ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., hindi magdedeklara ng Suspension of Police Operations (SOPO) sa mga kalaban ng gobyerno ang Philippine National Police, kung kaya’t patuloy ang law enforcement at public safety operations laban sa mga lumalabag sa batas at mga rebelde.
Bukod dito, ipinahayag din ni General Azurin na isasailalim sa high alert ang PNP sa Disyembre 26, kasabay ng ika-54 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Samantalang nananatili ang defense posture ng PNP sa posibilidad ng anumang karahasan at krimen ng nasabing grupo o iba pang kahalintulad na organisasyon.
Discussion about this post