Mula nang nagsimula ang local campaign period ay limang insidente na ng paglabag sa election gun ban ang naitala ng Commission on Election (COMELEC) sa lalawigan ng Palawan.
Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, dalawang insidente ng paglabag sa naturang gun ban ang naitala sa bayan ng Bataraza noong ika-20 ng Marso, kung saan ang insidente ay nauwi sa pamamaslang na kumitil sa buhay ng padre de pamilya.
Noong ika-27 ng Marso sa bayan ng Araceli, isang armadong lalaki ang sumugod sa isang Pamilya kung saan siya rin ay naaresto ng mga awtoridad.
Ayon naman sa Puerto Princesa City Police Office, tatlo naman ang naitalang lumabag sa Election Gun Ban sa loob ng siyudad.
Sa impormasyong nakuha ng news team, sa ngayon ay ito pa lamang ang insidenteng naiulat ng PPO at PPCPO. Wala pang naitatalang lumabag sa ginagawang Comelec Checkpoints sa lalawigan at lungsod.
Discussion about this post