Arestado sa ikinasang drug buy-bust operation si Oliver Corpuz Jimenez sa Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa ganap na 3:00 PM noong Marso 6.
Ang buy-bust operation ay pinangunahan ng City Police Drug Enforcement Unit at Anti-Crime Task Force kung saan naaresto si Jimenez, 38 anyos, isang construction worker sa lungsod.
Ayon sa awtoridad, napagbentahan umano ng suspek ng ilegal na droga ang nagpanggap na asset na dahilan upang ito ay maaresto. Nasamsam kay Jimenez ang isang pakete ng shabu at P1,500 buy-bust money.
Nasa kustodiya na ng PNP ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Discussion about this post