Isang bagong silang na sanggol ang umano’y walang paalam na tinangay ng yaya nito mula sa kanyang mga magulang at inuwi sa bayan ng Dumaran, Palawan.
Agad na nagsagawa ng isang imbestigasyon ang Police Station 1, matapos mapaulat pagtangay ng yaya sa sanggol bandang 10AM noong Hulyo 12, matapos inireport sa pulis bandang 7PM.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP na ayon sa biktima, noong siya ay nanganak sa Ospital ng Palawan, nag-alok ang suspek na bantayan siya habang nasa ospital.
Nang magkasundo sila, nagpatuloy ang pagbantay ng suspek sa biktima hanggang sila ay lumabas mula sa ospital noong hapon ng Hulyo 11. Pagkatapos ay nagtanong ang suspek sa biktima kung pwede siyang sumama sa kanilang bahay para mag-overnight, dahil pupunta siya sa Sitio Sabang, Barangay Cabayugan, Puerto Princesa City.
Kinabukasan, sa petsa at oras ng insidente, nagpunta umano ang biktima at ang suspek sa Massway Supermarket para bumili ng mga damit para sa sanggol, dinala ng suspek ang sanggol at habang abala ang biktima sa pagpili ng mga damit para sa kanyang anak ay dito na pumuslit ang suspek kasama ang sanggol.
Agad naman nagsagawa ng operasyon ang PS1 at sa tulong ng iba pang kapulisan, natunton at napag-alaman na dinala ng suspek sa bayan ng Dumaran ang bata.
Nasa kustodiya na ng PNP ang suspek at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya.
Hindi na inilahad ng PNP ang pangalan ng suspek. Naibalik na rin ang sanggo sa kanyang tunay na mga magulang.
Discussion about this post