Nasa rehas na ngayon ang isang murder suspect matapos itong masabote sa isang operasyon ng magkasamang otoridad nang Aborlan Municipal Police Station (AMPS), Intelligence Team of 2nd PPMFC at Provincial Intelligence Branch (PIB), 9:50PM ng Lunes, sa Kiyabubuan, Sitio Daan, Barangay Apurawan, Aborlan, Palawan.
Ayon sa impormasyon mula sa otoridad, kinilala ang suspek bilang si Eddie “Item” Acosta, 42-anyos, may-asawa at residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng isang existing arrest warrant sa kasong Frustrated Murder na inilabas ni Judge Paz Solidad B. Rodriguez-Cayetano ng Regional Trial Court, 4th Judicial Region, Branch 49, Puerto Princesa City, Palawan, noong September 17, 2019.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nakapiit na sa Palawan Provincial Jail.
Discussion about this post