Kasalukuyang sumasailaim sa preliminary investigation ang suspek na napaulat kamakailan na nanggahasa sa isang 80-anyos na lola sa Bayan ng Aborlan.
Sa impormasyong buhat sa mga kinauukulan, pormal na naisampa ang kasong rape laban sa 42 gulang na lalaki na residente rin ng nasabing munisipyo para sa inquest proceedings noong Hulyo 4 at kaalinsabay nito ang paghiling niya ng preliminary investigation at pumirma ng waiver para sa kanyang karapatang nakasaad sa Article 125 sa Revised Penal Code (RPC) at sa pagpapanatili sa kustodiya ng Aborlan Municipal Police Station (MPS).
Matatandaang pumutok ang balita ng panghahalay sa nasabing lola noong Hulyo 6 na kung saan, napag-alamang ang biktima ay isang biyuda, magsasaka, at miyembro ng Tribung Tagbanua habang ang suspek naman ay isa ring magsasaka/caretaker, at mga pawang mga residente sa nabanggit na munisipyo.
Sa spot report buhat sa Regional Police Office-MIMAROPA, iniulat ng biktima sa Aborlan MPS ang nabanggit na insidente, sa tulong ng kayang anak na babae, dakong 4:00 pm noong Hulyo 3, 2020.
Nakasaad sa ulat na habang naglalakad ang biktima upang manguha ng pawid nang bigla na lamang umanong dumating ang suspek at sapilitan siyang dinala sa madamong lugar at doon isinakatuparan ang panghahalay sa kanya.
Kaugnay nito, unang inihanda ang kasong paglabag sa RA 8353 o ang “The Anti-Rape Law of 1997” laban sa suspek noong Hulyo 3, ang araw din na siya ay naaresto ng pulisya.
Discussion about this post