Makalipas ang halos isang taong pagtatago sa batas, noong Mayo 18 ay timbog na ng mga alagad ng batas ang isang suspek sa Bayan ng Linapacan.
Kinilala ang suspek na si Novie Domingo Zumaraga, 30 taong gulang, walang asawa, mangingisda at residente ng Sitio Balo-balo, Brgy. San Miguel, Linacapan.
Nadakip ang suspek na si Zumaraga sa bisa ng ibinabang warrant of arrest ni Judge Lovelle Moana Hitosis, presiding judge ng MCTC Busuanga-Coron noon pang Setyembre 06, 2019 dahil sa paglabag sa Section 27 (f) ng RA 9147 na may kasamang rekomendasyong P24,000 na piyansa.
Isinagawa ang pag-aresto ng Linapacan MPS, sa pangunguna ni Acting Chief of Police, PCapt. Ervin Plando, kasama ang apat na miyembro ng PNCO.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Linapacan MPS ang nabanggit na suspek at ihaharap naman sa issuing court para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post