Arestado ng mga awtoridad ang apat na kalalakihan sa lalawigan ng Palawan nitong Hulyo 20.
Arestado ang isang lalaki na wanted sa kasong 2 counts ng paglabag sa Republic Act 9262 o Violation Against Women and Children Act na may piyansang ₱36,000.00 para sa pansamantala nitong kalayaan.
Ang suspek ay kinilalang si Hanibal Cabangon Agnas, 46 anyos, isang karpentero na residente ng Purok 3, Brgy. Old Busuanga, Busuanga, Palawan.
Sa Barangay Iraan naman sa bayan ng Rizal, arestado si Johnray Garnado Reconalla, 42 anyos, isang magsasaka at residente ng Sitio Bulno, Brgy. Iraan dahil sa kasong paglabag sa Chainsaw Act of 2002 (Section 7(4) of Republic Act 9175) na may inilaang piyansa na nagkakahalaga ng P48,000.00.
Sa Barangay Tagumpay, Coron arestado naman ang Rank No. 3 sa most wanted list ng PNP na si Arjay Gallardo Luneta, 37 anyos, na residente ng Barangay Tagumpay dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o ang Child Protection Act na may kaukulang piyansang ₱200,000.00 para sa pansamantala nitong kalayaan.
Sa Barangay Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan arestado naman si Pascual Valones y Baquiao, 50 anyos, isang magsasaka at residente ng Barangay Aribungos, Brooke’s Point, Palawan dahil sa kasong paglabag sa Section 7(4) ng R.A. 9175, o Chainsaw Act na may kaukulang piyansang nagkakahalaga ng ₱48,000.00 para sa pansamantala nitong kalayaan.
Discussion about this post