ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Press Release

Modernong Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Katuwang sa Mabilis na pag papatupad ng NTF-ELCAC

Press Release by Press Release
March 23, 2021
in Press Release
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Modernong Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Katuwang sa Mabilis na pag papatupad ng NTF-ELCAC
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay itinatag ng pangkasalukuyang gobyerno upang tuldukan ang mga gawain ng mga armadong grupo na nagnanais pabagsakin ang pamahalaan, na matagal ng problema ng bansa. Matapos ipawalang bisa ng mga kabilang partido ang peace talks, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Communist Party of the Philippine-National People’s Army bilang isang terrorist organization at itinatag ang NTF-ELCAC sa pamamagitan ng Executive Order No. 70. Makalipas ang ilang taon, isa ang NTF ELCAC sa mga pangunahing Task Force na layuning pabagsakin ang mga armadong komunista at tulungang paunlarin at pasaganahin ang pamumuhay ng mga taong nakatira  sa mga liblib na pamayanan – mga lugar na siyang madalas na ginagawang kuta ng mga komunista. Katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), ang NTF-ELCAC ay patuloy na ngayong naglulunnsad ng mga programang pang-kaunlaran.

Dahil nga isa ito sa mga pangunahing mandato ng pangulo na ang AFP dapat ang may mahalagang responsibilidad sa pagsasagawa ng mga proyekto ng gobyerno, binigyang diin ng mga pinuno ng AFP na magiging kaakibat sila ng taumbayan sa pagpapaunlad ng bansa sapagkat ito ang kanilang sinumpaang tungkulin. Dagdag pa rito, kumpara sa ibang ahensya ng gobyerno na nangangasiwa ng seguridad at kaunlaran ng bansa, ang AFP ang nasa posisyon upang maging magandang katuwang ng mga local government units at iba pang kalinyang mga ahensya para magbigay ng serbisyong publiko at magsagawa ng mga proyektong pangkaunlaran. Lingid sa kaalaman ng karamihan na nagsasabing ang tungkulin lamang ng mga sundalo ay humawak ng baril at makipagdigma, ang ilan sa mga sundalo ay kasapi ng Kongreso at nagsisilbing department heads at mga kalihim mula sa iba’t ibang ahnesya ng gobyerno, na siya namang tumutulong sa paggawa ng mga polisiya at programa upang pagtibayin ang seguridad at kaunlaran sa bawat panig ng bansa.

RelatedPosts

Four Points by Sheraton Palawan hosts exclusive lunch for Ritz-Carlton Yacht Collection guests

Barangay Maningning earns back-to-back honor at Puerto Princesa City Tandikan Awards 2025

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

Ayon kay Lieutenant General Antonio Parlade Jr PA, ang pinuno ng Southern Luzon Command at tagapagsalita ng NTF-ELCAC, kailangan magtulong-tulong ang AFP at lokal na pamahalaan upang mabilis matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan at lubos na masugpo ang armadong kilusan lalo na’t madalas na puntirya ng mga ito ang mga katutubo.

Walang dapat ikabahala ang mga mamamayan sa mga lugar na ito dahil sa pagsasabatas ng Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020, makakaasa ang mga Pilipino ng mas pinaigting na mekanismong ilalatag ng gobyerno upang mahadlangan ang mga banta at mga pagtatangka ng mga terorista sa sambayanan kabilang na ang mga dayuhang terorista na nagtatangkang magtatag ng kanilang lokal na grupo sa ating bansa. Gayunman, binigyang diin din sa batas na ito na maaaring magkaroon ng activism sa ating bansa pero hindi maaaring magkaroon ng terorismo o anumang uri ng panghihikayat patungo sa armadong pakikibaka.

Malaking pondo man ang binibigay dito ng gobyerno, malaking responsibilidad din ang bitbit ng NTF-ELCAC at AFP dahil nakasalalay dito ang malaking parte ng pag-unlad ng bansa. Dahil nga malaking papel ang ginagampanan ng sandatahang lakas sa paglunsad ng mga gawain at proyekto ng NTF-ELCAC, nararapat lamang na mapabilis ang modernisasyon ng AFP upang mas matugunan nila ang kanilang mga katungkulan. Ang modernisasyon ng AFP tulad ng patuloy na pagtaas ng kalidad ng mga kasangkapang militar at mas matalinong sandatahan ang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng NTF-ELCAC upang maisakatuparan ang matagal nang layuning mawakasan ang komunismo at itaguyod ang kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

Ang magandang pamamahala, mahusay na paghahatid ng mga pangunahing serbisyo, at paglikha ngmatatag na komunidad na humahadlang sa mga komunistang grupo ang siyang kailangan ng mga mamamayan. Ito ang ginawa, ang ginagawa, at patuloy na gagawin ng sandatahang lakas katuwang ang NTF ELCAC para sa mamamayan at para sa bansa.(P.R.)

Tags: Armed Forces of the PhilippinesNTF-ELCAC
Share72Tweet45
ADVERTISEMENT
Previous Post

Celebrating International Women’s Month: Women at Work at SM

Next Post

90% na ibinigay na COVID-19 Vaccine kailangan umanong gamitin -PPC-COVAC

Press Release

Press Release

Related Posts

Four Points by Sheraton Palawan hosts exclusive lunch for Ritz-Carlton Yacht Collection guests
Press Release

Four Points by Sheraton Palawan hosts exclusive lunch for Ritz-Carlton Yacht Collection guests

February 2, 2026
Barangay Maningning earns back-to-back honor at Puerto Princesa City Tandikan Awards 2025
Press Release

Barangay Maningning earns back-to-back honor at Puerto Princesa City Tandikan Awards 2025

December 19, 2025
CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza
Press Release

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

November 26, 2025
Guardian of the West Philippine Sea: The Living Treasure of Pag-asa Island
Press Release

Guardian of the West Philippine Sea: The Living Treasure of Pag-asa Island

November 20, 2025
Higit sa Uniporme: Tinig ng Isang Babaeng Kawa; sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women
Press Release

Higit sa Uniporme: Tinig ng Isang Babaeng Kawa; sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women

November 20, 2025
‘Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea’ — A wake Up Call for Every Filipino
Press Release

‘Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea’ — A wake Up Call for Every Filipino

October 26, 2025
Next Post
90% na ibinigay na COVID-19 Vaccine kailangan umanong gamitin -PPC-COVAC

90% na ibinigay na COVID-19 Vaccine kailangan umanong gamitin -PPC-COVAC

Lalaki, timbog sa buy-bust sa Bayan ng Roxas

Lalaki, timbog sa buy-bust sa Bayan ng Roxas

Discussion about this post

Latest News

Why do commuters prefer motortaxis?

Why do commuters prefer motortaxis?

February 5, 2026
Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

February 3, 2026
Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

February 3, 2026
City ENRO spearheads mangroves planting during World Wetlands Day

City ENRO spearheads mangroves planting during World Wetlands Day

February 3, 2026
Puerto Princesa, nakapagtala ng sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships nitong buwan ng Enero

Puerto Princesa, nakapagtala ng sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships nitong buwan ng Enero

February 3, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15232 shares
    Share 6093 Tweet 3808
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11668 shares
    Share 4667 Tweet 2917
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10298 shares
    Share 4119 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9921 shares
    Share 3968 Tweet 2480
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9731 shares
    Share 3892 Tweet 2433
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us