Pahabol na regalo ang hatid ng grupo ni Cong Atty. Gil “Kabarangay Jr” Acosta sa mga residente sa Bgy. Inagawan at sa Bgy. Kamuning, dahil sa wakas sa loob ng Tatlong put’ walong taon (38) na kanilang tiniis, mapapasimento na ang Nia Road, sa Brgy. Inagawan na magdudugtong sa bahagi naman ng Brgy. Kamuning.
Ayon kay Kapitan Roderick Cervancia ng Bgy. Inagawan, 1983 pa problema ang maputik na kalsadang ito, kaya naman laking tuwa nila ng maisama na sa budget ang pagpapagawa dito. Kaya naman, kahapon, January 27 ay nagkaroon na ng ground breaking sa lugar upang opisyal ng masimulan ang pagsasaayos ng Nia Road na dinaluhan nila City Councilor atty Nesario Awat, City Councilor Jimmy Carbonell at City Councilor Elgin Robert Damasco, kasama rin ang pamunuan ng DPWH at ng Diwa Partylist.
Sa kabuuan, umaabot ng 500 ektarya ng basakan at taniman ng palay ang ng nasasakop ng dalawang barangay kaya naman tinatawag na sila ngayon bilang Rice Granary ng Puerto Princesa City at napakalaking tulong ng maayos at sementadong kalsada sa mga magsasaka dahil hindi na sila mahihirapan pang ilabas ang kanilang mga produkto na ibebenta naman sa bayan. Kapag tuluyan ng napasemento ang Nia Road ay makikinabang dito ang 95 mga kabahayan ang pangunahing ikinabubuhay ay ang pagsasaka at pagtatanim ng mga gulay.
Sa ngayon, sa kabila ng banta pa rin ng Covid-19 ay patuloy pa rin ang pagbibgay ng mga proyekto ni Cong Atty. Gil “Kabarangay Jr” Acosta sa mga residente ng ikatlong distrito ng lalawigan ng Palawan. (P.R.)
Discussion about this post