Dahil hindi na makakapaghatid ng kuryente ang PSPI, ang PALECO po ay ginagawa ang lahat ng makakaya upang mapabilis na matapos ang line extension at maisama ang Rio Tuba sa Palawan Grid sa pamumuno ni Project Supervisor, Engr. Nikki Artis Tortola, BOD Chairperson, Mr. Jeffrey Y. Tan-Endriga, Vice Chairperson Maylene Ballares, PALECO BOD at OIC-GM, Engr. Ferdinand A. Pontillas. Patuloy nakikipag tulungan ang PALECO sa ating mahal na Governor Jose Alvarez, Bataraza Mayor Abraham Ibba and Rio Tuba Barangay Chairperson, Nelson Acob at sa mga National Agencies – National Electrification Authority (NEA), Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) upang maisaayos ang sitwasyon ngayon sa nasabing lugar.
Binigyan ng ERC ang PALECO ng anim na buwan upang makumpleto ang 31 km na linya mula Brooke’s Point. Sa ngayon po ay may 133 linemen and engineers, 5 boom trucks, 3 manlift trucks at 11 cargo trucks ang inilaan ng ating Kooperatiba para sa proyektong ito. Buwan pa ng Enero ay nagsimula na ang nasabing proyekto at sya namang pina igting sa kasalukuyan dahil sa biglaang pagtigil sa serbisyo sa PSPI. Lahat ng ito ay ginagawa ng PALECO upang mapabilis na makumpleto ang line extension at line upgrading at upang muling matamasa ng nga mamamayan ng Barangay Rio Tuba ang kaginhawaang dulot ng pagkakaroon serbisyo ng kuryente. Ang nasabing proyekto ay inaasahang matatapos sa loob ng anim (6) na araw. (P.R.)
Discussion about this post