Dalawa katao na ilang buwan na ring binabaan ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Gun Law ng bansa ang arestado ng pulisya kahapon sa Bayan ng El Nido.
Kinilala ang mga nadakip na indibidwal na sina Arlene “Arlene Esnardo” Baguio Arellano, 40 anyos, house wife at Jessier Derayal Mahipos, 33 anyos, walang asawa, mangingisda, at mga pawang mga residente ng Brgy. Bucana, El Nido, Palawan.
Ang unang suspek ay nadakip dakong 9:30 am kahapon sa Sitio Calitang, Brgy. Bucana, El Nido, Palawan habang ang ikalawa ay ang bandang 10:30 am sa nabanggit ding lugar dahil sa umano’y paglabag nila sa Section 1 ng RA 9516, ang batas na nag-aamiyenda sa Section 3 at 4 ng Presidential Decree 1866, o ang “Codifying The Laws On Illegal/Unlawful Possession, Manufacture, Dealing In, Acquisition Or Disposition Of Firearms, Ammunition Or Explosives Or Instruments Used In The Manufacture Of Firearms, Ammunition Or Explosives, And Imposing Stiffer Penalties for certain violations thereof, and for other relevant purposes.”
Isinagawa ang pag-aresto ng mga tauhan ng El Nido MPS base sa ibinabang warrant of arrest ni RTC Branch 164 (Roxas, Palawan) Presiding Judge Anna Leah Tiongson-Mendoza noon pang Hunyo 17, 2020.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng El Nido MPS ang nabanggit na mga indibidwal at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post