Advertisement
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
ADVERTISEMENT
Home Provincial News

Mga negosyanteng apektado ng pandemya, maaaring makatanggap ng ayuda sa ilalim ng isa sa mga programa ni Cong. Acosta Jr.

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
September 19, 2020
in Provincial News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Mga negosyanteng apektado ng pandemya, maaaring makatanggap ng ayuda sa ilalim ng isa sa mga programa ni Cong. Acosta Jr.
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Mga negosyanteng apektado ng pandemya, maaaring mag-apply para sa ayuda sa ilalim ng ‘COVID-19 Assistance To Restart Enterprise Program (CARES)’. Ang CARES ay programa ni Rep. Gil “Kabarangay” Acosta Jr. na naglalayong umagapay sa mga mamamayan  at negosyante ng Ikatlong Distrito ng Palawan.

Sa ipinaabot na impormasyon ng Third Congressional District Office, ang mga kinakailangang dokumento ay mga sumusunod: Kumpletong detalye sa application form; Government issued IDs na may litrato; katunayan ng permanenteng tirahan;  Barangay at Municipal Business Permit at litratong nagpapatunay ng negosyo at fixed asset.

RelatedPosts

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

In Palawan, food security and peace are treated as the same battle

Coastal vulnerabilities in West Philippines Sea shores

Sa ngayon, patuloy ang pagtanggap ng aplikasyon ng opisina hanggang Setyembre 30, 2020 kung saan pipiliin ang magiging kwalipikado para dito.

ADVERTISEMENT

PAMAMAHAGI NG AYUDA

Maliban sa programang CARES, matatandaang kasama rin sa mga naging hakbang ni Rep. Acosta simula nang idineklara ang lockdown sa Lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan ay ang agarang pamimigay ng ayuda sa mga lugar na nasasakupan ng Ikatlong Distrito ng Palawan.

Ang ayuda ay sa pamamagitan ng pamimigay ng isdang lulutuin ng mga mamamayan, pamamahagi ng food packs para sa mga frontliner sa mga checkpoints noon sa mga barangay ng Bancao-Bancao, San Miguel, Sta. Monica, Brgy. San Manuel, Brgy. San Rafael at Brgy. Inagawan; gayundin sa mga frontliner mula sa City Health Office, Cooperative Hospital, Adventist Hospital, at ang mga nakatalaga sa City Coliseum. Nabiyayaan din ng foodpacks at ayuda ang mga naka-confine sa Aborlan Medicare.

Namahagi rin ang kongresista ng mga alcohol, face mask at face shields, hand gloves, thermal scanners at disinfectant sprayers sa mga frontliner.

Namigay rin ng tulong at ayuda ang opisina ni Third District Rep. Acosta sa mga taga-Bayan ng Aborlan, katuwang ang Palawan Rescue 165 at Pilipinas Shell Foundation, Inc. (PSFI).

Sa kabuuan ay nakumpleto  ang pamamahagi ng mga ayuda sa 66 na mga barangay sa Lungsod ng Puerto Princesa at sa 17 barangay naman sa Bayan ng Aborlan.

HANAPBUHAY

Para naman sa livelihood, sa programang ito ay nakatuwang ng opisina ni Acosta ang TESDA-Palawan para sa libreng training sa mga nawalan ng trabaho sa Ikatlong Distrito at ang Puerto Princesa School of Arts and Trade na sila namang nagsilbing training provider. Ang mga pagsasanay ay ang Dress Making NC II, Shielded Metal Arc Welding NC I, Process Food Salting, at Curing and Smoking NC II.

Namahagi rin ng mga babaeng biik si Rep. Acosta mula mismo sa sarili niyang bulsa na kung saan, kapwa 10 biik ang natanggap ng Brgy. Irawan at Brgy. Manalo.

GOVERNMENT INTERNSHIP PROGRAM

Nito lamang nakaraang araw, labis ang tuwa ng 101 mga indibidwal dahil naging qualified at nakapasok sila sa Government Internship Program sa inisyatibo ng kinatawan ng Ikatlong Distrito, sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang mga naging kwalipikado ay itatalaga sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa Palawan na kung saan ay magkakaroon sila ng trabaho at magkakasweldo ngayong nahaharap ang bansa sa COVID-19 crisis.

TUPAD

Kasama rin sa mga napakaraming proyekto at programa ni Rep. Gil Acosta, Jr. para sa mga nawalan ng trabaho  ngayong panahon ng krisis ay ang pagpapatupad ng “Tulong sa para sa mga Displaced o Disadvantage Workers” (TUPAD).

Dito ay nakipagtulungan ang tanggapan ni Acosta sa mga pamunuan ng mga barangay sa Lungsod ng Puerto Princesa at Bayan ng Aborlan para mabigyan ng pansamantalang hanapbuhay at trabaho ang mga benepesyaryo. Lubos naman ang tuwa ng mga nakatanggap ng benepisyo dahil sa pamamagitan nito ay nabigyan sila ng trabaho sa mga barangay na sa 10 araw ay nakatanggap sila ng P3,200 sahod.

Gayundin, sa gitna man ng pandemya ay nagpapatuloy pa rin ang mga programang sinimulan ng opisina ni Rep. “Kabarangay” Acosta gaya ng Multi-Purpose Building sa Brgy. Sicsican, sariling barangay hall ng Brgy. Manggahan, road concreting FMR sa Brgy. Tagburos na nai-turn-over na rin kamakailan at Senior Citizen Building sa Brgy. Kamuning na pawang nasa Lungsod ng Puerto Princesa.

Tags: CARESCOVID-19 Assistance To Restart Enterprise Program (CARES)Palawan 3rd District RepresentativeRep. Gil “Kabarangay” Acosta Jr.
Share108Tweet68
ADVERTISEMENT
Previous Post

Wanted person sa Baguio City dahil sa kasong Estafa, nadakip sa El Nido

Next Post

2 wanted persons, arestado sa El Nido

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina
Environment

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

November 3, 2025
In Palawan, food security and peace are treated as the same battle
Provincial News

In Palawan, food security and peace are treated as the same battle

September 24, 2025
Coastal vulnerabilities in West Philippines Sea shores
Environment

Coastal vulnerabilities in West Philippines Sea shores

September 22, 2025
Roxas LGU eyes opening their destinations to tourists by October 2025
Provincial News

Roxas LGU eyes opening their destinations to tourists by October 2025

September 21, 2025
BM Sabando pushes for establishment of dairy industry in Palawan
Agriculture

BM Sabando pushes for establishment of dairy industry in Palawan

September 19, 2025
Swimjunkie Challenge: San Vicente MOA signing
Feature

Swimjunkie Challenge to kick off in San Vicente next year

September 17, 2025
Next Post
2 wanted persons, arestado sa El Nido

2 wanted persons, arestado sa El Nido

Si GAB Chairman Mitra at ang mga Gym sa Puerto Princesa

Mga atleta ng Puerto Princesa, wagi sa torneo ng Taekwando

Discussion about this post

Latest News

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

November 3, 2025
‘Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea’ — A wake Up Call for Every Filipino

‘Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea’ — A wake Up Call for Every Filipino

October 26, 2025
Puerto Princesa strengthens marine plastic reduction efforts with foreign partners

Puerto Princesa strengthens marine plastic reduction efforts with foreign partners

October 26, 2025
Puerto Princesa prepares for 8th International Bird Photography Race

Puerto Princesa prepares for 8th International Bird Photography Race

October 26, 2025
Freezing of ‘fuel taxes’ possible under Marcos Jr.

City grants extension for oil depots relocation until May 2026

October 26, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15155 shares
    Share 6062 Tweet 3789
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11542 shares
    Share 4617 Tweet 2886
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10290 shares
    Share 4116 Tweet 2573
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9702 shares
    Share 3880 Tweet 2425
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9549 shares
    Share 3820 Tweet 2387
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing