Negatibo ang resulta ng Rapid Diagnostic Test ng 251 Locally Stranded Individuals o LSI at Authorized Persons Outside Residence of APOR na dumating sa lungsod kahapon, June 14, lulan ng barko ng 2GO Travel.
Ito ay pawang mga mula sa iba’t-ibang munisipyo na kabilang sa mahigit 500 nakauwi mula sa Maynila at bayan ng Coron.
Ayon kay Palawan Incident Management Team Head, Cruzalde Ablaña, matapos dumaan sa mahigpit na protocols, agad din namang sinundo ang mga ito ng kani-kanilang LGU’s kung saan isasailalim naman sila sa 14-days mandatory quarantine pagdating sa kanilang mga bayan.
Sinabi pa ni Ablaña na walang dapat ikabahala ang mga Palaweño sa patuloy na pagdating mga mga LSI, APOR at ROF dahil mahigpit anya nilang sinusunod ang ipinatutupad na healh protocols upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Discussion about this post