Sa loob ng dalawang araw mula Agosto 21 hanggang 22, muling inikot ni Mayor Lucilo Rodriguez Bayron ang mga proyektong pang-imprastraktura sa iba’t ibang barangay ng Puerto Princesa. Kabilang dito ang 28 proyekto, kung saan 20 ang pinasinayaan at 8 ang isinagawa ang ‘groundbreaking ceremony.’ Ang kabuuang halaga ng mga proyektong ito ay umabot sa ₱420 milyon.
Ang mga proyekto ay nakatuon sa pagsasaayos, paggagraba, pagbubukas, at pagkumpleto ng mga kalsada, pati na rin ang paglalagay ng drainage system. Ilan sa mga pangunahing proyekto ay kinabibilangan ng:
Pagbubukas at paggagraba ng farm-to-market road mula Purok 3 hanggang Marambuhaya sa Brgy. Kamuning na nagkakahalaga ng ₱11,923,508.65.
Pag-install ng Single Phase and Open Secondary Line sa mga daan papuntang Purok Maunlad, Brgy. Irawan (₱3,444,500.00) at Purok Talisay, Brgy. Sicsican (₱2,804,500.00).
Pagkonkreto ng daan sa Medina relocation site na may pondong ₱9,714,813.47.
Pagsasaayos ng daan patungo sa Baker’s Hill, Mitra Road na may kabuuang halagang ₱93,577,912.10.
Malaking bahagi rin ng pondo ay inilaan sa pagpapaganda ng mga kalsada at drainage system sa Kaakbayan Road (₱34,667,180.26), A. San Juan Road at Felimon Lagan Road sa Brgy. San Pedro (₱16,939,823.60), at road reblocking sa T.S. Paredes Street (₱24,825,219.45).
Naglaan din ng ₱9,700,096.21 para sa pagtatayo ng wharf o pantalan sa Brgy. Bagong Bayan, na makakatulong sa kabuhayan ng mga mangingisda. Sa Brgy. Napsan naman, mula sa dating abandonadong gusali ay kinumpleto ito ng pamahalaan sa halagang ₱10,310,893.78.
Bukod dito, ang mga pulis sa PNP Irawan Station ay magkakaroon na ng movable basketball hoop at parking shed na nagkakahalaga ng ₱2,229,319.18. Mapapasimulan na rin ang pagkonkreto ng iba’t ibang kalsada sa Brgy. Sta. Monica, San Miguel, Tanglaw, at Bagong Sikat.
Isa rin sa mga inisyatibo ang pagtatayo ng mga Standard Day Care Centers sa Purok Manturon, Brgy. Cabayugan (₱6,670,937.98), Brgy. Manalo (₱5,288,409.09), at Brgy. Sta. Cruz (₱5,385,327.42). Mapapaayos din ang 2-storey building sa Mangingisda Elementary School (₱3,607,816.64) at pagtatayo ng ‘loading and unloading bay’ sa Manalo Street.
Isa sa pinakamalaking proyekto ay ang bagong Salvacion Public Market sa bahaging norte ng siyudad, na may pondong ₱59,217,619.41, na inaasahang magpapalakas ng ekonomiya at agrikultura ng lugar.
Pinasinayaan din ang pagkumpleto ng Busngol RC box culvert (₱7,339,103.66) at konstruksiyon ng Sta. Lourdes Cemetery (₱63,852,856.43). Ang Multi-purpose Building sa Brgy. Tagumpay (₱3,266,020.66) at Princess Eulalia Park Landscape and Parking (₱9,699,676.02) ay ilan din sa mga proyekto na layuning magbigay ng mas magandang serbisyo at pasyalan sa mga mamamayan.
Kasama ni Mayor Bayron sa mga aktibidad na ito ang mga miyembro ng Super Mega Apuradong Administrasyon at mga espesyal na bisita tulad nina Konsehala Judith Raine Bayron, Kon. Patrick Alex Hagedorn, at iba pang mga konsehal, dating konsehal, at mga opisyal ng barangay. Nakibahagi rin ang mga kabataan ng Puerto Princesa bilang mga tagapagmana ng siyudad.
Discussion about this post