Advertisement
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
ADVERTISEMENT
Home Provincial News

3 kalabaw, ninakaw sa Bayan ng Narra

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
April 5, 2021
in Provincial News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
3 kalabaw, ninakaw sa Bayan ng Narra

(kaliwa) mga bakas ng paa ng mga kalabaw na ninakaw sa bayan ng Narra // Larawan ni Jonalyn, (kanan) presentasyon ng kalabaw

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Nananawagan ngayon sa publiko ang isang netizen na agad na ipagbigay-alam sa kanila kung alam ang kinaroroonan ng ninakaw na tatlong kalabaw na pagmamay-ari ng kanyang mga magulang at mga kakilala sa Bayan ng Narra.

Sa post ni Jonalyn Tabucalde sa kanyang social media account, ikinuwento niya ang naganap na insidente ng pagnanakaw ng kalabaw, kalakip ang mga larawang nagpapakita ng bakas ng kanilang kalabaw na pilit umanong  pinasakay sa trak.

RelatedPosts

Elderly couple in El Nido pleads for building materials after losing home to Typhoon

DTI enforces prize freeze in Typhoon affected areas including Palawan

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

“[Ipagbigay-alam po sana sa amin ng] kung sino pong nakaaalam o makapagtuturo ng tatlong kalabaw na ninakaw [na] kinarga sa truck, 4 am [kahapon], sa tulay ng Palu-palo, Brgy. Burirao, [Narra]. Pagmamay-ari [po ang mga iyon] nina Jose Tabucalde at Jun Cogonon. ‘Yon lang [ang] tangi nilang yaman, ninakaw pa!”  ang caption ng post ni Tabucalde.

ADVERTISEMENT

Makikita sa mga larawang ipinaskil ni Tabucalde sa kanyang timeline sa Facebook ang stockpile na ginagamit para sa road widening na ginamit umano ng mga suspek bilang hagdanan para pasakayin ang nasabing mga hayop sa sasakyan, mga putol na mga pamalo at ang bakas ng mga gulong ng trak.

Dahil dito, umaapela rin siya sa mga kinauukulan na ipahinto muna ang pagluluwas ng mga kalabaw sa labas ng Palawan dahil kapag nailuwas na umano ang mga iyon sa labas ng Palawan, batid nilang suntok sa buwan na mababawi pa nila ang mga ito.

“Ang gusto lang din sana naming mangyari, ay kung may makatulong sa amin ay mapa-hold namin ang pagpapalabas ng kalabaw ngayon kasi maraming kalabaw ang nawawala,” ani Tabucalde sa hiwalay na phone interview ng Palawan Daily News team.

Ang ikinatatakot pa umano nito ay idiretso ng mga suspek ang mga kalabaw sa Bayan ng Roxas kaya nais umano nila na masabihan din ang mga namimili roon.

“Ang [mga alagang] hayop [natin] ay parang anak mo na rin ‘yan. ‘Yong [kalabaw ng aking mga magulang ang] buntot niya ay lampas sa tuhod at ‘yong sungay niya ay buka—babae po ‘yon, walong taong gulang,” ani Tabucalde at idinagdag na ito na ang ikalawang beses na nanakawan ng kalabaw ang kanyang mga magulang.

DI NAHANAP SA BAYAN NG NARRA

Ayon pa kay Tabucalde, ngayong araw ay inikot na nila ang buong Bayan ng Narra upang mahanap ang kalabaw ng kanyang mga magulang hanggang makaabot ng Aborlan. Naiparating na rin umano nila ito sa mga police station ng Narra at Aborlan.

“Na-check na rin namin ‘yung mga rancho sa Narra na binabagsakan nila, wala rin po. Hindi lang po namin nakita ‘yong [mga rancho rito] sa Plaridel, [Aborlan], kasi na-meet na rin namin ‘yong ibang mga kamag-anak namin dito,  nangako na rin na sila na lang ‘yong magtse-check sa rancho na ‘yon,” ani Tabucalde.

Aniya, labis na ikinalungkot ng kanyang mga magulang ang naganap na pagnakaw sa alaga nilang hayop.

“Nakaaawa [ang mga biktima]; ang [isa sa mga] may-ari no’ n, ‘yong tatay ko, PWD na, senior pa, pati nanay ko, kaya nagpupursige kami na maibalik ‘yong kalabaw nila kasi ‘yon na lang  ‘yong yaman nila. Di nga nila ‘yon binenta para ipanggamot sa sarili nila—nagtiis sila ng sakit, tapos nanalangkawin lang!?”

Aniya, nagkakahalaga ng P30,000 ang alagang walong taong gulang na kalabaw ng kanyang mga magulang at halos ganoon din ang halaga ng iba pang ninakaw na hayop.

“Ang insidente na ito, nangyari, kung alam n’yo ‘yong may pakurbadang  bago ka makarating ng Abo-abo. ‘Yong [may-ari] ng bahay diyan, narinig niya raw  po na kinakarga sa truck ‘yong kalabaw. Hindi niya lang pinuntahan kasi gabi, natakot siya, baka may [dala silang] mga improvised gun, mabaril siya,” kwento pa niya.

Aniya, nakita rin nila ang bakas ng kanilang kalabaw, galing sa kanilang farm. Iniakyat umaano roon, saka  itinawid sa ilog.

“Ang nagnakaw, [may hinuha kaming] tagaamin kasi bakit alam niya ang farm namin at kabisadong-kabisado niya kung saan idadaan [ang nanakawing kalabaw]? Ganoon din po ang nangyari sa mga kabarangay namin… na [kahit] malapit sa highway ang basakan, tinawid pa roon sa likod, sa malayo at hindi idinaan sa highway. [Doon], nakaabang na ‘yong truck nila,” aniya.

Matagal tagal na rin umano ang mga naunang nakawan  sa kanilang lugar na nasa isang taon na. Tila nagpahinga lamang umano ang mga kawatan at bumalik na naman sa kanilang modus operandi.

“Sana maawa naman ng kumuha [ng kalabaw namin!] Di naman alam ng ahente no’n na ninakaw ‘yon, sana ibalik nila [sa amin] at sana, makonsiyensiya naman ‘yong nagnakaw at ‘wag n’ya nang ulitin,” panawagan pa niya.

Tags: KalabawNarrapalawanpalawan daily news
Share133Tweet83
ADVERTISEMENT
Previous Post

Tahong growers sa Taytay, labis ang saya dahil negatibo na sa red tide ang Malampaya Sound

Next Post

Pilgrim churches in Palawan, open Jubilee doors as the country celebrates 500 years of Christianity

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Elderly couple in El Nido pleads for building materials after losing home to Typhoon
Provincial News

Elderly couple in El Nido pleads for building materials after losing home to Typhoon

November 17, 2025
DTI enforces prize freeze in Typhoon affected areas including Palawan
Provincial News

DTI enforces prize freeze in Typhoon affected areas including Palawan

November 17, 2025
CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina
Environment

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

November 3, 2025
In Palawan, food security and peace are treated as the same battle
Provincial News

In Palawan, food security and peace are treated as the same battle

September 24, 2025
Coastal vulnerabilities in West Philippines Sea shores
Environment

Coastal vulnerabilities in West Philippines Sea shores

September 22, 2025
Roxas LGU eyes opening their destinations to tourists by October 2025
Provincial News

Roxas LGU eyes opening their destinations to tourists by October 2025

September 21, 2025
Next Post
Pilgrim churches in Palawan, open Jubilee doors as the country celebrates 500 years of Christianity

Pilgrim churches in Palawan, open Jubilee doors as the country celebrates 500 years of Christianity

The late OPM Icon Claire Dela Fuente wishes to do concert in Palawan

The late OPM Icon Claire Dela Fuente wishes to do concert in Palawan

Discussion about this post

Latest News

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

November 26, 2025
NOTICE OF PUBLIC HEARING

NOTICE OF PUBLIC HEARING

November 26, 2025
PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

November 21, 2025
Guardian of the West Philippine Sea: The Living Treasure of Pag-asa Island

Guardian of the West Philippine Sea: The Living Treasure of Pag-asa Island

November 20, 2025
Strip the money and see who still files candidacy

Kids in debt before birth

November 20, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15190 shares
    Share 6076 Tweet 3798
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11591 shares
    Share 4636 Tweet 2898
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10293 shares
    Share 4117 Tweet 2573
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9713 shares
    Share 3885 Tweet 2428
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9712 shares
    Share 3884 Tweet 2428
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing