Apat ang nawawala at 28 ang nailigtas matapos lumubog ang yateng M/Y Dream Keeper na sinasakyan ng mga ito kahapon, Abril 30, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Matapos makatanggap ng tawag ukol sa insidente ay agad na pinadala ng Coast Guard Sub-Station Tubbataha ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702), ganoon din ang mga dive boats na nagsagawa ng Search and Rescue Operation sa lugar na pinangyarihan ng insidente.
Ayon sa kanila, ang yate ay umalis mula sa San Remegio, Cebu, noong Abril 27 at dumating sa Tubbataha Reef noong Abril 29. Base sa impormasyon ng PCG, lulan nito ang 31 na mga indibidwal ng lumubog ang sinasakyang yate.
Anya, 28 ang nailigtas na ng mga kawani ng PCG habang 4 ang kasalukuyan pa ring nawawala.
Hanggang sa ngayon ay patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa mga ito.
Discussion about this post